Ang asignaturang ito ay tumutukoy sa kabutihang-asal at sa tiyak at partikular na tinatanggap na mga batayang panlipunang pagpapahalaga, etiketa, at/ o tamang paraan ng pag-uugali na nagpapahayag ng paggalang sa mga taong nakakasalamuha. Gayundin, ang asignaturang ito ay makapaghuhubog ng kabataang Pilipino na kumilos ng may wastong pag-uugali at pagkiling sa kabutihan, at naisasabuhay ang pagmamahal sa Diyos, sarili, pamilya, kapuwa, kalikasan, bansa at daigdig tungo sa kabutihang panlahat. Isinisiguro na sa bawat aralin ay nabibigyan pansin at kaukulang pagpapahalaga ang mga mag- aaral na makatutulong sa pag angat ng moralidad ng perpetualite bilang Pilipino na may pagpapahalaga at pagmamahal sa Diyos, sa pamilya, sa kapwa at sa bayan. Ang mga paksa at gawain ay sadyang iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upan maging makabuluhan, kawiliwili at napapanahon ang pagkatuto ng mga mag-aaral lalo’t higit sa pagpapakita ng kabutihang asal.