
Layunin nito na makapagbahagi sa mga mag-aaral ng makabuluhan at napapanahong mga gawain na naaayos sa kanilang interes at karanasan. Binigyang-diin nito ang paglinang ng mga kakayahan at kasanayang magagamit sa habang-buhay gayundin ang paghubog ng isang Pilipinong kumikilala sa kanyang pinagmulan, nagpapahalaga sa kanyang kasanayan at kultura, at aktibong nakikibahagi sa mga gawaing makakapagpaunlad sa bansa.