Ang asignaturang ito ay lubos na pinagyaman upang maiangkop sa kasalukuyang takbo ng buhay ng mga mag-aaral. Layunin nito na maglinang ng isang makabuluhan, kapaki-pakinabang, makabayan, maka Diyos, makakalikasan at makataong Pilipino sa buong hererasyon; may kalooban at may pagmamahal sa ibang tao at sa bansa. Kaalinsabay sa paglinang ng diwang makabayan, layunin din ng araling ito na magkaroon ng malikhaing kaisipan at matibay na pananalig sa Diyos na dapat taglayin ng isang mamamayang Pilipino