Ang asignaturang ito ay pinagsanib na aralin sa wika at pagbasa na lumilinang sa sa iba’t- ibang kasanayan sa pakikipagtalastasan tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, gayundin ang mapanuring isip. Ang mga paksa, gawain at pagsasanay ay sadyang iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag- aaral upang maging makabuluhan, kawiliwili at napapanahon sa pagkatuto. Isinisiguro na sa bawat aralin ay nabibigyan pansin at kaukulang pagpapahalaga ang mga mag- aaral na makatutulong sa pag angat ng moralidad ng Perpetualite bilang Pilipino na may pagpapahalaga at pagmamahal sa Diyos, sa pamilya, sa kapwa at sa bayan. Kalakip ng bawat aralin ang pagpapahalagang pangkatauhan na naglalayong makalinang ng mga mamamayang matalino sa pagpapasya, may mabuting kalooban, at inaasahang magigings kapakipakinabang sa kapwa at sa bayan. Bawat panlinang na gawain ay naglalayong mapag ibayo ang kakayanan ng bata lalo’t higit sa pagbabasa, gayundin sa pagsusulat at pakikinig.
- Teacher: Mary Gold Manarin